Sabihin ko ba na ikaw ang gusto
Wala nang iba ikaw lang at ako
Simula nung nakita, kita biglang nag-iba
Ang ikot ng mundo ko
Takbo sa may kalsada na may nakalagay na dito lang kayo
Walang hihinto hanggang sa makilala nyo ang sarili nyo
Sabi nga nila 'di kayo magtatagal kung 'di mo kaharap ang sarili mo
Hanap-hanap ko lang yung boses mo
Kasi alam kong magkikita pa tayo
Hindi man ngayon ngunit hindi 'to malabo
Sayo laging panalo, sinambit na pangako
'Di naman magbabago, mahalaga ka na tao
Ngayon alam mo na kung san 'to patungo kundi sayo lang
Kundi man ikaw ang kaharap ko sa dulo, edi wag na lang
'Di man makapal ang aking palamuti
Sasamahan lumipad mapa umaga't gabi
Kuntento na ang araw basta makatabi
Hinding-hindi ko hahayaan sayo may umapi
Alam mo ba sobrang interesado ko sayo
Hindi na ako makaalis sa inuupan ko
Lambing mo na lang kulang po, pag katabi kita feel 'ko
Lagi akong panalo, walang talo
Ngiti mo palang sure ball na akin na 'to
Hindi na kita papakawalan pa
Hindi ako papayag na makuha ka ng iba
Hawak kamay mahigpit maglalakbay ng sabay
Habang tayo ay nakapikit panaginip lang ulit
Kasi alam kong magkikita pa tayo
Hindi man ngayon ngunit hindi 'to malabo
Sayo laging panalo, sinambit na pangako
'Di naman magbabago, mahalaga ka na tao
Ngayon alam mo na kung san 'to patungo kundi sayo lang
Kundi man ikaw ang kaharap ko sa dulo, edi wag na lang
'Di man makapal ang aking palamuti
Sasamahan lumipad mapa umaga't gabi
Kuntento na ang araw basta makatabi
Hinding-hindi ko hahayaan sayo may umapi