Оберіть трек для відтворення
Ganda ng 'yong ngiti, akin nang napapansin
Sugatan na puso'y kusang gumagaling
Handa na bang lisanin mabigat na bitbit?
Magaan ang buhay, huwag problemahin
Sa pag-alis, ako ang gabay mo
Hawak-hawak ang kamay mo hanggang dulo
Huwag kang bibitiw 'pag may delubyong haharapin
Halika na, 'lika na
Sundan mo lamang ang aking hakbang
Papalayo sa ating naumpisahan
Lalakbayin natin sarili nating kalawakan
Halika na, 'lika na
Huwag mong isipin ang babalikan
Dito'y pananaw, purong kagandahan
Lalakbayin natin sarili nating kalawakan
Halika na, 'lika na
Pagtitibayan ko'ng puso para sa iyo
Mamaos man ako, marinig mo lang ang tinig ko
Oo, gagawin ko 'yon, basta't gagawin mo 'yong
Magandang bagay alang-alang sa sarili mo
Sa pag-alis, ako ang gabay mo
Hawak-hawak ang kamay mo hanggang dulo
Huwag kang bibitiw 'pag may delubyong haharapin
Halika na, 'lika na
Sundan mo lamang ang aking hakbang
Papalayo sa ating naumpisahan
Lalakbayin natin sarili nating kalawakan
Halika na, 'lika na
Huwag mong isipin ang babalikan
Dito'y pananaw, purong kagandahan
Lalakbayin natin sarili nating kalawakan
Halika na, 'lika na