Оберіть трек для відтворення
Sumisikip itong dibdib
Puso ko ba'y nanganganib
Kamay ko'y nanlalamig
Katawan ko'y balot ng ligalig
Hindi makahinga
Kaba ba ang nadarama
Para akong matumba
Parang ayoko na
Ako, sino ako
Alex ng Entablado
Marami akong gusto
Alex ng Teatro
Gusto kong mag artista
Gusto kung sumayaw at kumanta
Gusto kong umiyak at tumawa
Gusto kong, gustong kong lumaya
Oo, marami akong gusto
Subalit ngayon gusto kong sumuko
Kailangan ko ng attensyon nyo
Palakpak nyo ang hanap ko
Kailangan ko kayo
Kailangan ko ako
Hanap ko inyong titig
Pangalan ko bukang bibig
Dinggin ang aking tinig
Hanap ko ay pag-ibig
Mula sa mga kaibigang sinta
Hangad ko ay patawad nila
Kay August, sa pagwalang bahala
Kay Luna, sa malupit na salita
Patawad mga kaibigan
Yakap nyo uling inaasam
Ako, sino ako
Alex ng Entablado
Marami akong gusto
Alex ng Teatro
Ako, sino ako
Alex ng Entablado
Marami akong gusto
Alex ng Teatro
Alex ng Teatro
Alex ng Teatro