Оберіть трек для відтворення
Namamalayan mo bang sa'yo lang aking paningin
Nangungusap na lumingon sana
Habang wala pang nakakaalam (ah-ah)
Aking diwata oh parusa na nga na 'di kita nakakausap
Sabi na nga ba't pareho lang wala nang bago
Nagpapaikot lang din ako hanggang lumabo
Ang paningin ko sa'yo'y kumakapit pa lalo (woah-oh)
Habang buhay na sana kung 'di ka napagod
Paalam ang palagi mong sinasabi
Ta's babalik 'pag walang
Nahanap na tulad ng sa'tin
Paalam lang ang palagi
Sa dalubtalaanan sa'ng sansinukob ba matatagpuan
Ang mundo na sinasabi mo
Ako lang ang hindi kasali
'La nang araw sa buwan
Sinabi na nga ba't pareho lang wala nang bago-oh
Habang buhay na sana kung 'di ka napagod
Paalam ang palagi mong sinasabi
Ta's babalik 'pag walang
Nahanap na tulad ng sa'tin
Paalam lang ang palagi
Ang hinaharap na hinahanap nating dal'wa
Ay ang kasalukuyan ang kasalukuyan
Tama ka nga pero tama na muna
Magpapaulila na lang
Tama ka nga pero tama na muna
Ang dami ng dahilan oh-oh
Tama ka nga pero tama na muna
Balang araw na lang
Tama ka nga pero tama na muna
Balang araw na lang