Оберіть трек для відтворення
Sumibol sa isang panahong marahas
Bawat pagsubok ay iyong hinarap
At hangga't laya'y 'di pa nakakamtan
Buhay mo'y laging laan
Namumukadkad at puno ng sigla
Tulad mo'y rosas sa hardin ng digma
At 'di maiwasang sa 'yo ay humanga
Ang tulad kong mandirigma
Ako'y nangangarap na ika'y makasama
Taglay ang pangakong iingatan kita
Ang ganda mong nahubog sa piling ng masa
Hinding-hindi kukupas, 'di malalanta
Ang kulay mong angkin 'sing tingkad ng dugo
Nagbibigay buhay sa bawat puso
Tinik mo'y sagisag ng tapang nagiging
Sa laranga'y kislap ng bituin
Ako'y nangangarap na ika'y makasama
Taglay ang pangakong iingatan kita
Ang ganda mong nahubog sa piling ng masa
Hinding-hindi kukupas, 'di malalanta
Ako'y nangangarap na ika'y makasama
Taglay ang pangakong iingatan kita
Ang ganda mong nahubog sa piling ng masa
Hinding-hindi kukupas, at 'di malalanta
Gaya ng pag-ibig na alay ko, sinta