Оберіть трек для відтворення
Flip-D on the beat
Ang sipag magtututulog kaya pitaka puyat
Imbis mag-banat ng buto, nag-unat ng butong
May kasamang hikab, gano'n katamad
Sa bayabasan ka magaling mag-abang ng malalaglag (uh-huh)
At nagtataka ka pa kapag sa bulsa mo
Wala ka nang nakakapkap (uh), clap, clap, clap (sheesh)
Ang hilig mo sa, "Teka muna" (wait)
Kaya imbis salapi ang nakuha mo muta
Punto ko sana makuha na baka sa kakahiga mo ay diyan ka makuba
Ano'ng misyon mo sa lupa? Nagpatigas ng batuta?
Paramihin ang populasyon
Ganiyan ba talaga 'pag walang ambisyong mataas, 'di nalulula?
Buti pa tupa napapastol, ikaw puro angas, 'tol
Halatang nagpapanggap 'pag nasa labas ng door (sa labas)
Iba-ibang palabas kaya madalas mag-mall (mall)
Akala mo lang nakakahabol ka na pero 'di ka pa nakaka-score
'Di lang pala 'yong tulog 'yong puwedeng may mapanaghinipan (pati gising)
'Di rin puwede na lahat ng gusto idaan sa hilingan (hindi pupuwede)
'Pag may nahiligan 'di madalian, 'di madali 'yan (hindi madali)
Ba't 'di pag-igihan, sige, ika'y magpursige kasi 'di pa huli
Pero sa 'yo 'yan nakadepende, 'di 'yong nakabase ka sa suwerte
'Di laging pupuwede na 'yong puwede lang
Kung puwede nga, isipin na walang bagay na hindi puwede
Siyempre, 'di araw-araw abente-singko ng Disyembre darating at darating ang peste
'Yan ang dapat mong paghandaan
Kasi buti pa 'yong leche flan ay may plano kahit leche (yeah)
Akala ko ayaw mo ng de-lata? ('Kala ko) pero lagi kang nakahilata (bakit?)
Akala ko ayaw mo tumunganga? ('Kala ko) pero inuuna mo bunganga (eh?)
Akala ko gusto mo ng biyaya? (Whoo) pero lagi kang nakatihaya (damn)
Sarili mo din ang dinadaya (yeah) kasi sa katamaran mo siya niyaya (yeah, yeah)
Dapat kasi 'di ka pumapayag (pu, pu, pu, pu)
Ikaw din naman ang mahihirapan (brrt, pow, brrt, pow)
'Tsaka ikaw din ang manghihinayang sa masasayang
Hoy, batugan! 'Di ka pa mayaman, wala ka pang matabang wallet (hoy!)
Bakit 'di ka makabangon baka
Bakal na mukha mo tapos unan mo naman magnet (wow)
Pahiga-higa lang sa higaan, 'kala mo biyaya sa iyo ang kusang lalapit
Iba ka, hanep, 'di nagpa-panic
Sanay ka bang walang budget o sadyang wala ka lang target? (At)
'Yong iba namang mga tamad ay mayro'n din kakaibang mindset (brrt)
Kaso lang hindi natin alam kung utak ba talaga nila ang ginagamit o gumagamit
'Pag walang-wala at pagka-kailangan ay sa patalim kumakapit 'pag walang arep
Sige ang dale, sige, ituloy mo pa, pare, hangga't hindi ka pa sumasabit (hoy!)
Sana malabanan mo sarili mo nasanay na, na puro ka hingi (puro ka hingi)
Alam mo naman siguro sa sarili mong hindi 'yan nakakabilib (oh)
Tapos siya pa 'yong galit sa 'yo sapilitan (-pilitan) 'yon naman ang 'di ko maintindihan
Tipong imposibleng 'di mo din kainisan
Kahit paulit-ulit mo pa "Sige"-han mali ka na
Kahit na isang beses mo lang "Hindi"-an
Sa mga naririnig mo, sana nakatutok ka para matuto ka nang sira ulo ka (sira ulo)
Ang sakit mo na sa ulo, kasi baka 'yong sakit mo nga ay nasa ulo na (uh-huh)
'Pag 'di ka kumilos ay hindi ka tutuka
Kapag hindi ka ngumuya nang ngumuya, mabuhulunan ka naman
O 'di kaya bibig naman ay bubula kasi hindi 'to labanan ng patigasan ng mukha
Kaya matuto mahiya