Оберіть трек для відтворення

Sige punta ka pa sa dilim
Pero wag kang kukurap talasan ang paningin
Teka baldo parang may nakita ako (ano)
Isang bampirang kalbo (takbo)
Hanggang makakita tayo ng matutuluyan
Kasi mukhang malapit ng bumagsak ang ulan
Pero buti nalang nakakita kami ng isang
Lumang bahay sa gitna ng kakahuyan
Sandali lang ano yan
Sigurado ka bang may nakatira pang tao dyan
Sinubukan kong tingnan at kinatok ang pinto
Sabay biglang bukas nito at ako'y napahinto
Sa lumitaw na kubang may dalang
Kandila at buhay na ata panahon pa ng
Kastila at dinala nya kami saming tutulugan
At tila ba dun na kami matutuluyan
Sabay ang mga balahibo ko ay nagtayuan
Biglang lumamig at ako'y kinilabutan ng
Ba hag ya at wa lang ya
Kasi kami'y mukhang naliligaw na
Di ko mabasa sa mapa kung nasan na tayo banda
Bibihira lang daw na may napapadpad don
Yung iba nakakabalik yung iba wala na ngayon
Isang halimbawa nalang yung pansindi ko ng sigarilyo
Baka kako hiniram di naisoli ng maligno
Eto pa ang weirdo
Alam mong nasa paligid lang si lolo kasi amoy katinko
Nais ko nga sanang magpahangin sa labas
Natigilan sa babaeng may tinging mapangahas
Sinundan ko biglang nawala nilamon ng hamog
Sabay alok ni lolo ng shot ng lambanog ugh
Aba ayos yan inuman
May libre pang bituka lamang-loob at balun-balunan
Naubos ang pulutan ganon din ang kwentuhan
Sa sobrang sarap muntikan ng mabilaukan
Ewan ko ba't biglang umurong ang upuan
Biglang lakas ng hangin at ako'y kinilabutan ng
Ba hag ya at wa lang ya
Pagkat nalalanghap ko panay alikabok
Kaya siguro di ako dalawin ng antok
May kumatok baka si lolo tatagayan pa tayo
Pero pagbukas ko wala namang tao
Tinawag ko si Baldo pero tulog na
Tatanungin ko sana kung san na napunta
Ang rosaryo kong dito lang nakalagay
Ano ba yung amoy na yun bulaklak ng patay
Humiga nalang sa kama nagtalukbong ng kumot
Inisip ko isa lang tong bangungot
Nasa kanan ko si Baldo pero sa kaliwa may tumabi
Naisip ko bigla teka dalawa lang kami
Si Baldo nagsalita kanina pa pala gising
Napansin nya kasing parang may nakatingin
Nakakandado ang pinto patay kulong na tayo
Napatigil nung biglang may umalulong na aso
Sabay ang mga balahibo ko ay nagtayuan
Biglang lumamig at ako'y kinilabutan ng
Ba hag ya at wa lang ya
Pagtingin ko sa likod lolo nakatayo
Laking gulat namin nung nag-iba sya ng anyo
Bigla na lamang tumugtog ang kanta ng parokya
Okatokat dun natapos ang istorya