
Napanghihinaan ng loob
Nilalamon ng lungkot
Mag-isa sa kwarto kong magulo
Namumugto'ng mga mata na ayaw matuyo
Parang ang langit sa'kin may galit
Mga pasakit panay ang lapit
Isipan ay nagtataka nana
Ano ba'ng aking nagawa nana
Di mawalay kahit sa akin ang pag-inom
Mapaglaro na kapalaran ay nakakapikon (nakakapikon)
Lagi na ring dating ay parang sinadya
Hapdi sakit maging ang mga himala
Sa'kin mailap pwede
Pero may tinig na sa tenga ko'y nag-hele
Buti nandyan ka
Buti nandyan ka
Buti nandyan ka
Na sa akin nagpahalaga
Buti nandyan ka
Buti nandyan ka
Buti nandyan ka
Nagpadama na magkasama tayong dalawa
Minsan gusto nang sumuko
Nananakit na ang ulo
Parang ayaw nang matuto
Naapektuhan na rin pati ang puso
Tulala ano bang iniisip?
Yun pala ay blangko lang malimit
Sumaya kahit minsan lang ang ibig ang tahimik
May mga sandali na parang di na kaya
Mga labi ninakawan ng pagtawa
Nahihirapan ano ba Bakit ako pa?
Sa mga nangyayare yan ang laging napuna
Laging dating ay parang sinadya
Hapdi sakit maging ang mga himala
Sa'kin mailap pwede
Pero may tinig na sa tenga ko'y nag-hele
Buti nandyan ka
Buti nandyan ka
Buti nandyan ka
Na sa akin nagpahalaga
Buti nandyan ka
Buti nandyan ka
Buti nandyan ka
Nagpadama na magkasama tayong dalawa