Оберіть трек для відтворення
Oh-whoa
Whoa-ah
Oh
Dati-rati, sabay pa nating pinangarap ang lahat
Umaawit pa sa hangin at amoy araw ang balat
Naaalala ko pa no'n, nag-aagawan ng Nintendo
Kay sarap namang mabalikan ang ating kuwento
Lagi-lagi ka sa amin dumidiretso pag-uwi
Maglalaro ng tao-taong piso-pisong nabili
Umaawit ng theme song na sabay kinabisa
Kay sarap namang mabalikan ang alaala
Ikaw ang kasama buhat noon
Ikaw ang pangarap hanggang ngayon (hanggang ngayon)
'Di ba't ikaw nga 'yong reyna at ako ang 'yong hari?
Ako 'yong prinsesang sagip mo palagi
Ngunit ngayo'y marami na'ng nabago't nangyari
Ngunit 'di ang pagtingin (ngunit 'di ang pagtingin) na gaya pa rin ng
Da-ra-ra-da-dati
Da-ra-ra-da-dati
Da-ra-ra-da-dati
Na gaya pa rin ng-
Dati-rati ay palaging sabay na magsiesta
At sabay ring gigising, alas-kuwatro y medya
Oh, sabay manonood ng paboritong programa
Oh, kay tamis namang mabalikan ang alaala
'Di ba't ikaw nga 'yong reyna at ako ang 'yong hari? (Oh-yeah)
Ako 'yong prinsesang sagip mo palagi (oh, oh)
Ngunit ngayo'y marami na'ng nabago't nangyari
Ngunit 'di ang pagtingin (ngunit 'di ang pagtingin) na gaya pa rin ng- (yeah)
Dati-rati ay naglalaro pa ng bahay-bahayan
Gamit-gamit ang mantel na tinatali sa kawayan
At pawang magkakalaban 'pag nagtataya-tayaan
Pero singtamis ng kendi 'pag nagkakasal-kasalan
'Di ba dati ay nagkukunwaring Marvin at Jolina
Minsan ay tambalang Mylene at Bojo Molina
Ang sarap sigurong balikan ng mga alaala
Lalo na't kung magkayap, mga bata't magkasama at
Parang Julio't Julia, lagi tayong magkasama ('di mapaghiwalay)
Sabay tayong umiiyak 'pag inaapi si Sarah (hindi puwede 'yan)
Una kang kinakatok sa pagsapit ng umaga ('yan ang pag-ibig)
Sana mabalik pa'ng dati nating pagsasama
'Di ba't ikaw nga 'yong reyna at ako ang 'yong hari?
Ako 'yong prinsesang sagip mo palagi
Ngunit ngayo'y malayo ka't malabong mangyari
Ang aking pagtingin, oh, ibulong na lang sa hangin (ibulong na lang)
Pangarap na lang din (pangarap na lang din) na gaya pa rin ng (na gaya ng)
Da-ra-ra-da-dati (na gaya pa rin ng dati)
Da-ra-ra-da-dati (dati, yeah)
Da-ra-ra-da-dati (yeah-yeah)
Na gaya pa rin- (yeah, hey)
Da-ra-ra-da-dati (ooh)
Da-ra-ra-da-dati
Da-ra-ra-da-dati
Na gaya pa rin ng- (oh)
Ng dati