Оберіть трек для відтворення
Sumang-ayon ka man sa 'kin o hindi
Kung ano'ng mayro'n ako, hindi ko hiningi
Pagod, puyat, dugo, pawis bago makuha 'yong nais
Kumilos ako, 'di lang basta humiling
Baka mapraning ka sa 'kin mga bagong parating
Mahihilo kahit na 'di ka lasing
Sa dami ng tinanim abang na lang sa bunga para pitasin (yey)
Habang sila gutom, patos na kanin with asin (ouch)
Puro papel ang puwede, walang barya
'Di lang diyan pati bulsa, busog lagi walang palya
Naka-ipon ako ng milyon na walang gamit na alkansya
Lumawak ang pangalan ng walang dungis, walang mantsa
Asahan mong sobrang smooth ng move, ang good ng mood
Kumbaga lagi lang studio good
'Di ako cook pero busog kapag nag-serve ng food
'Yong rap ko ang sarap, 'yong rap niyo ang sarap i-mute
Kaya magmano ka para 'pag natalo may balato ka
Wala na dapat pa na pagtalunan, may nanalo na
May mga plano pa na bago, Diyos ko, pa'no na?
Klarong-klaro na, lahat sila dehado na
Sumang-ayon ka man sa 'kin o hindi
Kung ano'ng mayro'n ako, hindi ko hiningi (oh)
Pagod, puyat, dugo, pawis bago makuha 'yong nais
Kumilos ako, 'di lang basta humiling
Kaya kahit sumang-ayon ka man sa 'kin o hindi
Kung ano'ng mayro'n ako, hindi ko hiningi (oh)
Pagod, puyat, dugo, pawis bago makuha 'yong nais
Kumilos ako, 'di lang basta humiling (verse 2, uh)
Utak ko, malawak mala-dagat 'yan ng mga banat
'Pag balak makilala ka agad kasi hangad lang mukha mababad
Sa sobrang lalim, magkakadagat, no'ng maaasim, ayun inalat
Halos abot kamay na nila 'yong pangarap pero 'di pa rin pinalad
Sige, unahan palagi ng yabang (yabang) hanggang sa maipanalo ang laban (laban)
Pero mas ayos pa rin 'yong manalo ka muna sa una tsaka mo iyabang ('yan)
'Wag mong hanapin 'yong mga hiyawan kung sa kasipagan 'di ka makitaan
Kasi 'yan din naman una kong pinakita, bago ko 'to pagkakitaan
'Di 'to madalian na makuha, dito 'di mo sigurado ruta
Magpakatuta man o magmala-puting tupa, gagawin nila lahat para huminto ka
Maraming magmamagaling, aasarin, sasagarin, kakagatin, mamatahin ka
Kaso naging makinang ka pa rin sa marami kasi ginto ka
'Yong sarili mo kalabitin muna, 'yong ganito ayaw ko masikmura
Madaming bituin na ang naging lupa at mga bago na naging luma
O baka makapagtalo ka pa, sige, panalo ka na
At mananalo pa kahit papa'no sa kapapanalo mo
Kahit matalo ka na napakarami mo nang nagawa
At manalangin na sana 'yong duda nila lumala
Para 'yong gutom mo sa katawan ay hindi mawala
'Wag mong bilangin ang tumingala
Hanapin mo lagi 'yong gusto hilain ka pa ibaba
Sa pagmumukha, do'n mo ipapamukha na lahat sila balewala