Оберіть трек для відтворення
Maubos man ang papel at panulat sa mundo
Nakaukit na sa puso ko awiting alay sayo
Pigilan man ang dilim ang pag-sikat ng araw
Patuloy na isisigaw ng puso kong ito
Ang papuri ko para sa'yo
Ang papuri ko para sa'yo
Ikulong man ang pisikal kong katawan
Di nila maikakahon ang aking pag-mamahal
Para sa'yo...
Para sa'yo...
At kung tumigil man
Ang pagtibok nitong puso
Di ako mawawalay sa pagibig mo...
Lalaban ako hawak ko ang tagumpay
Sa aking paglalakbay ika'y aking gabay
Isusulong ko ang laban
Buhay man ang kailangan
Para sa'yo
Maubos man ang dahilang ngumiti at mabuhay
Isang tawag ko lang sa'yo
May galak na ang aking puso
Lisanin man ang init itong mundong nanlalamig
Sayo parin ay aawit ng may pagibig na tinig
Buong mundo may magkaisat ako'y pigilan
Di nila mahahadlangan ang aking pagmamahal
Para sa'yo...
Para sa'yo...
At kung tumigil man
Ang pagtibok nitong puso
Di ako mawawalay sa pagibig mo...
Lalaban ako hawak ko ang tagumpay
Sa aking paglalakbay ika'y aking gabay
Isusulong ko ang laban
Buhay man ang kailangan
Para sa'yo
At kung tumigil man
Ang pagtibok nitong puso
Di ako mawawalay sa pagibig mo...
Lalaban ako hawak ko ang tagumpay
Sa aking paglalakbay ika'y aking gabay
Isusulong ko ang laban
Buhay man ang kailangan
Lalaban ako hawak ko ang tagumpay
Sa aking paglalakbay ika'y aking gabay
Isusulong ko ang laban
Buhay man ang kailangan
Para sa'yo
Para sa'yo
Panginoong Hesus...
Para sa'yo