Sumama ka sa 'kin, sabay nating sundin
Ang bugso ng ating damdamin
Ang bukas ay 'di na sa 'tin
Sumama ka sa 'kin, sabay nating limutin
Na hindi ka sa 'kin, akin, akin
Oh, oh, mm
Hindi na nakailag sa hiwaga ng iyong mata
Parang nabubulag, ang mali nagiging tama
Larawan ay nag-iiba (larawan ay nag-iiba) 'pag tayo na lang dalawa
Uurong at susulong, inaanod ka na nga ba?
Bibitaw o kakapit? Andito ka lang ba para
Sandali kang makalaya at ako ang bihag mo?
Ano ba'ng nangyayari? Ano ba'ng nangyayari?
'Di alam, 'di alam
Sumama ka sa 'kin, sabay nating sundin
Ang bugso ng ating damdamin
Ang bukas ay 'di na sa 'tin
Sumama ka sa 'kin, sabay nating limutin
Na hindi ka sa 'kin, akin, akin
Oh, oh, mm
Sumama ka sa 'kin, oh
Kalimutan muna natin ang totoo
Ayos lang sa 'kin ang ganito
Basta't samahan mo ako, oh, oh
Bibitaw ka ba o kakapit pa? (Bibitaw ka ba?)
Nandito ka lang ba para sa sandaliang laya
At ako, at ako, at ako, at ako
At ako, at ako, at ako ang bihag mo? Hm