Оберіть трек для відтворення
'Di kailangan ng karamay
'Di mapupunan, magsasayang ka lang ng laway
Ramdam mo rin na ika'y malaya
Nang madarama, ang iyong halaga
Hindi mo kawalan
Kung hindi ka sasamahan
'Wag kang palilinlang
Hindi kailangang
Maingay sa tabi
Para hanapin ang sarili
Kaya naman
Pakitatak sa iyong isipan
'Wag kang matakot
'Wag mangangamba
'Di porke na mag isa
'Di pwede mag saya
'Wag mabahala
'Di mawawala
Gumawa ng paksa na ikaw lang may akda
Kung mataranta
'wag magalala
Sa bawat sandali
'di kailangan ng iba
Sa pagmulat ng mata
'di ako mawawala
'di lahat ng oras kailangan may kasama
Bagong araw ang darating
Mula sa tulog na mahimbing
Walang alon ng problema na hadlang sa mundo ng kawalan
Ang lahat ay kay gaan
Hindi mo kawalan
Kung hindi ka sasamahan
'Wag kang palilinlang
Hindi kailangang
Maingay sa tabi
Para hanapin ang sarili
Kaya naman
Pakitatak sa iyong isipan
'Wag kang matakot
'Wag mangangamba
'Di porke na mag isa
'Di pwede mag saya
'Wag mabahala
'Di mawawala
Gumawa ng paksa na ikaw lang may akda
Sabihin man nilang 'di masaya ang pag iisa
Hindi nila alam
Dito matutuklasan ang tunay na ligaya
Walang ingay, walang abala
Tanging ako lang ang kasama
At nawa'y matutong mahalin ang sarili
At tuluyan mong makilala
'Wag kang matakot
'Wag mangangamba
'Di porke na mag isa
'Di pwede mag saya
'Wag mabahala
'Di mawawala
Gumawa ng paksa na ikaw lang may akda