Оберіть трек для відтворення
Manhid na utak ko kakaisip sa mundo
Puso'y nangangalay kaya piniling huminto
Sa ingay ay lumayo para mapatahimik ito
Muli ay babalik ang alab ng pangarap mo
Ang sabi ko naman 'di ba sa'yo
Hinay-hinay ka lang sa pagtungo
Sa pangarap na iyong binubuo
Tatagan mo lang lagi ang loob mo
Madaming taong sasabay sa'yo
'Di mo lang alam sino ang totoo
Kaya huwag magpakita ng kahinaan
Lakas ay doon sa kalagitnaan
Manhid na utak ko kakaisip sa mundo
Puso'y nangangalay kaya piniling huminto
Sa ingay ay lumayo para mapatahimik ito
Muli ay babalik ang alab ng pangarap mo
Huwag mo rin sanang kakalimutan
Mas marami ang tunay na kaibigan
Bilang lang sa kamay ang kamalasan
Ipunin ang suwerte sa kamalian
Aral ikaw lang makakapagsabi
Sinasambit ng dati mong mga ngiti
Luha lilipas din 'di mo mawari
Mata linawan lang do'n sa mabuti
Manhid na utak ko kakaisip sa mundo
Puso'y nangangalay kaya piniling huminto
Sa ingay ay lumayo para mapatahimik ito
Muli ay babalik ang alab ng pangarap mo
Ah-ha ah-ha ah-ha ah-ha
Pahinga ka muna aking kaibigan
Ako'ng bantay ginapang mo na kaban
Asahan mo dai taka bayaan
Lumipas pa nana't lawasin bulan
Araw gabi ay walang katapusan
Umpisahan mo na at muling babalikan
'Pag malakas na uli at humina'ng bangayan
Hahamakin ang lahat at huwag lulubayan
Ilalaban ang pangarap at muli ngang mag-aalab
Apoy sa puso taglay ay pagsusumikap
Sipag tiyaga diskarte kasamang lalayag
Lilipad patungo sa langit na hinahanap
Mga anghel naghihintay kasama ng papremyo
Nakaukit sa salamin nakalaan sa'yo
Huwag ka lang magbabago 'taga mo sa bato
Ugong ng silakbo matatapos din ang gulo oragon 'to
Manhid na utak ko kakaisip sa mundo
Puso'y nangangalay kaya piniling huminto
Sa ingay ay lumayo para mapatahimik ito
Muli ay babalik ang alab ng pangarap mo
Ah-ha ah-ha ah-ha ah-ha ah-ha
Ah-ha ah-ha ah-ha ah-ha ah-ha ah-ha ah-ha