Оберіть трек для відтворення
Pinapangunahan ng kaba
Pautal-utal magsalita
'Di maipinta ang mukha
Ang chansa ko'y baka wala
Kung ano-anong naiisip
Hangarin ka na makamit
Ayoko nang managinip
Halata na ang pananabik
At kung papalarin man
Sa'king unang paghakbang
Sana'y sasalubungin ng
Iyong kamay at hahagkan
At nung tayo'y magkaharap
Hirap aminin sapagkat
Ang iyong ganda ang dahilan
Kung ba't ako naduduwag
Gusto ko sanang ilantad
Damdaming di maihayag
Pilit tinutulak ng aking utak
Ako na tuluyang humarap
Isantabi ang pangamba
Makasama lang kita
Ayoko nang managinip
Halata na ang pananabik
At kung papalarin man
Sa'king unang paghakbang
Sana'y sasalubungin ng
Iyong kamay at hahagkan
At nung tayo'y magkaharap
Hirap aminin sapagkat
Ang iyong ganda ang dahilan
Kung ba't ako naduduwag
Aaminin ba ang nadarama
O hahayaan nang mawala
Ang pahiwatig ng iyong mga mata
Ako ay tila dinadala
Gusto kita
Wala nang iba