Оберіть трек для відтворення
Hala bira, hala bira, hala bira, hala bira
Hala bira, hala bira, hala bira, hala bira
Hala bira, hala bira, hala bira, hala bira
Hala bira, hala bira, hala bira, hala bira
Hala bira (hala bira), hala bira (hala bira)
'Wag kang titigil hanggang kaya mo pa
Hala bira (hala bira), hala bira (hala bira)
Basta't mayro'n problema, hala bira
Katulad ng iba, ako'y nahihirapan
Problema ay kasama mo kahit na saan
Kahit na ano'ng gawing pagsisikap
Ang mukha ng problema'y pilit humaharap
Sa ganitong labanan, ito ang natutunan
Harapin ang problema, makipagsabayan
'Wag kang susuko, 'wag paiisa
'Wag kang titigil hanggang kaya mo pa
'Pag madilim ang daan at 'di mo maaninag
Asahan mong sa dulo nito'y may liwanag
At kung mabigat ang 'yong dinadala
'Wag mong tigilan, hala bira
Hala bira (hala bira), hala bira (hala bira)
'Wag kang titigil hanggang kaya mo pa
Hala bira (hala bira), hala bira (hala bira)
Basta't mayro'n problema, hala bira
Makinig, 'di ito ilusyon
Sa bawat problema, mayro'ng solusyon
'Wag kang yuyuko, 'wag kang papatalo
Kailangan mo'y tibay at lakas ng loob
'Pag may problema, kailangan ng katalinuhan
Gawin mong lakas ang 'yong kahinaan
Parang sundalo na nasa labanan
Lalong tumatapang kapag nasugatan
Ipakita mo na kaya mo
Kundi wala akong bilib sa 'yo
Habang humihinga ay mayro'n pag-asa
Basta kaya mo pa, hala bira
Hala bira (hala bira), hala bira (hala bira)
'Wag kang titigil hanggang kaya mo pa
Hala bira (hala bira), hala bira (hala bira)
Basta't mayro'n problema, hala bira
Hala bira, hala bira, hala bira, hala bira
Hala bira, hala bira, hala bira, hala bira
Hala bira (hala bira), hala bira (hala bira)
'Wag kang titigil hanggang kaya mo pa
Hala bira (hala bira), hala bira (hala bira)
Basta't mayro'n problema, hala bira
Sabihin sa sarili na kaya ko ito
Kaya ko ito, ako ay Pilipino
Ang tulad kong Pinoy ay hindi sumusuko
Kahit pa ano ang sabihin ninyo
May mga kabayan tayo na nahihirapan
Walang makain, walang matirahan
Miserable ang buhay, may karamdaman
Madaling magkasakit, mahina ang katawan
Marunong pa silang ngumiti at tumawa
Makikita mo sa mukha ang pag-asa
Kung kaya nila, ikaw pa kaya?
Hanggang may pag-asa, hala bira