Ang iyong mga mata
Ay nagsasabay sa daloy ng tula
Sa isang tulang pag-ibig ko'y natulala
Natulala
Sa lahat ng iyong ginagawa
Sinasadya
Ang iyong mga ngiti
Gayumang di na ako mapakali
Ikaw nga ba ang aking pinakamimithi
Ikaw ang araw at gabi saking daigdig
Laging hinihintay
Sana naman
Ay makita mo
Kung bakit ikaw ang pinipili
Ng aking isip
Ikaw nga ba
Ang aking takipsilim
Malapit ko na bang
Sasabihin
Huwag ka sanang maging lihim
Gusto ko lang naman
Ikaw ay nasa piling
Ng aking isip
Kathang isip
Ikaw nga ba
Ang aking takipsilim
Malapit ko na bang
Sasabihin
Huwag ka sanang maging lihim
Gusto ko lang naman
Ikaw ay nasa piling
Ng aking isip
Kathang isip
Aking isip
Kathang isip
Aking isip
Kathang isip