Оберіть трек для відтворення
Tandang-tanda ko no'ng nagdaang taon, halos 'di tayo mapaghiwalay
Magkasama sa lahat ng okasyon, tambay sa Baguio, bahay, o Tagaytay
Ang dami-daming nagsasabi na sa atin, na sa dulo ay tayo talaga
Balak na natin na habang-buhay, na sana tayo'ng magsasama
Bigla na lang may nag-iba
Sa kislap ng 'yong mata
At dahil sa kaliwa't kanang problema sa relasyon
Unti-unti ka na palang nawala
Ngayong wala ka na
'Di alam sa'n pupunta
Kung maiiba lang ang tadhana
Sa 'yo lang pupunta
Sa 'yo lang pupunta
At ngunit bakit puro pasakit? Hirap kumapit, ikaw lang sa 'kin
Litrato nating nilipad ng hangin, iba pa ang nagsabing ayaw mo na sa akin
Umuwi ako nang wasak at luhaan, kahit ilang tagay pa'ng inumin, 'di maiwasan
Na isipin ka, ibigin ka, at tuluyan nang kalimutan ang lahat
'Di napansin, ako'y kulang pala
Ngayong wala ka na
'Di alam sa'n pupunta
Kung maiiba lang (kung maiiba lang) ang tadhana
Sa 'yo lang pupunta
Ngayong wala ka na
Ngayong wala ka na
Ngayong wala ka na