Teka lang sandali
Hindi ko pa kasi alam ang gagawin
Kapag ika'y nariyan na sa tabi (kapag ika'y na sa tabi)
Pinilit kong iwasan
Hindi ko maiwasan, hmm
'Di kailangang magmadali
Kung hindi mo pa rin alam ang 'yong damdamin
Basta't makinig ka lang sa sasabihin ko sa'yo (ooh)
Aaminin ko ba? O aaminin ko na
Aaminin ko ba? Aaminin ko na
Isang gabi, nung tayo'y magkatabi
Nakadantay at magkahawak ang kamay
Nakatingin tayo sa mga bituwin
'di mapigilang mapaisip
Kung panaginip lang ang makapiling ka
'di sasayangin
Kung panaginip lang 'di na gigising pa
Kung 'di naman ako mahihimbing sa iyong tabi
Kung pagbibigyan man tayo
At sa pag gising ko ikaw at ako
Sasamahan mo ba ako? (sasamahan mo ba ako?)
'don sa dulo tayo mag tatagpo
(Ooh) Kung panaginip lang ang makapiling ka
'di sasayangin
Kung panaginip lang 'di na gigising pa
Kung di naman ako mahihimbing sa iyong tabi
(Kung panaginip lang ang makapiling ka, Ooh)
Sa iyong tabi
(Kung panaginip lang 'di na gigising pa)