Оберіть трек для відтворення
Mabuti naman, dumaan ka't bumisita
Palagi kitang hinihintay sa tuwina
Buong akala ko'y nakalimutan mo na
Ang humawak at sumulat, paggamit ng pluma
Ang mahalaga, ikaw ay nagbalik
Parang tuyong pisnging uhaw na uhaw sa halik
Ng tinta sa papel na dumidikit
Simulan natin, ang mga mata mo'y ipikit
Pintahan mo naman ako
Kuwentuhan ng panulat mo (kuwentuhan mo naman)
Kay tagal nang 'di nadinig (gusto kong muling matulig)
Salitang tumatagos sa dibdib
Pumasok sa silid na puno ng agiw
Sumasabay sa saliw
Ng lumang tugtugin, kaya marahil
Patutulisin ang panulat parang pangil
Tumatahol, nauulol
Pinupukol, bukol-bukol
Magmimintis, sumasapol
Maaga pa'y maghahabol
Pintahan mo naman ako
Kuwentuhan ng panulat mo (kuwentuhan mo naman)
Kay tagal nang 'di nadinig (gusto kong muling matulig)
Salitang tumatagos sa dibdib
Akala ko noon ay sapat na
Lahat ng 'binigay, lahat ng 'pinusta
Lahat ng inabot, lahat ng kinanta
Minsa'y naglulustay, madalas nagsasalba
Kasi alam ko na hindi naman ito tate
'Pag 'di ka nagsube, iiyak kang uuwi
Madalas mali ang tama at ang tama ay mali
Kung 'di mo pa rin nakuha, pakinggan na lang uli
Pakinggan sa tulay
Muli mong hawakan sa baywang ang lapis
Gumuhit ng letrang 'di kulang o labis
Umagos na oras, tuyo na ang batis na nilusungan ko
Halika, hawakan mo ang aking kamay
Ikaw na kasama ko no'ng ako 'y sumasakay
Sa likod ng dyip, nakasabit na ngalay
At kahit masikip, magpipilit makasabay
Makauwi nang maaga, matuyo ang labada
Matagal pa ang sahod, baon magkasiya pa sana
Kahit wala pa sa gera, nag-iipon na ng bala
Ang mga kuwento na ito, alas ng mga baraha sa bagong kabanata
Pintahan mo naman ako
Kuwentuhan ng panulat mo (kuwentuhan mo naman)
Kay tagal nang 'di nadinig (gusto kong muling matulig)
Salitang tumatagos sa dibdib