Оберіть трек для відтворення
Langit ay nananawagan
Na tayo'y tumingala
At ang lawak ng karimlan ay mapagmasdan
Sa dilim lang ng gabi ay lubos na makikita
Ningning ng mga bituin na nakamasid lang sa bintana
'Di kaya'y naglalakbay, ang kalawaka'y binabaybay
At nang dumapo ang sinag sa isang pusong nakahimlay
Aking susundin ang liwanag
At akin nang rinig ang iyong pagtawag
Oh, oh
Puso ay nakikiusap na hayaang makalipad
At malayang makalayag sa himpapawid
Bagong yugto ay bumubungad
Sa kahapong kumukupas
Masisilayan sa bintana ang pagdungaw ng umaga
Simulan ang paglalakbay, pag-ibig ang kaakbay
Kasabay ang hamon ng buhay sa isang pusong walang humpay
At aking susundin ang liwanag
At akin nang rinig ang iyong pagtawag
Oh, oh, halle-hallelujah
Halle-hallelujah
Bagong yugto ay bumubungad
Sa kahapong kumukupas
Masisilayan sa bintana ang pagdungaw ng umaga
Simulan ang paglalakbay, pag-ibig ang kaakbay
Kasabay ang hamon ng buhay sa isang pusong walang humpay
At aking susundin ang liwanag
At akin nang rinig ang iyong pagtawag
Oh, aking susundin ang liwanag
Akin nang rinig ang iyong pagtawag
Oh, halle-hallelujah
Halle-hallelujah
Halle-hallelujah
Halle-hallelujah
Halle-hallelujah