Оберіть трек для відтворення
Sa bawat pighating aking sinapit
Ikaw lang ang tanging nasa aking tabi
Tanging ikaw lang ang siyang laging nakahandang
Sa 'kin makiramay sa 'kin ng lumbay
Sa bawat tagumpay ng aking buhay
Ang hanap ko'y ikaw nang sa 'yo'y maialay
Ikaw ang siya kong gabay sa aking buhay
Ikaw ang kalungkutan, ikaw rin ang kaligayahan
Tayong dal'wa'y kapwa pinag-isa
Sa hirap at hapis, tayo'y magtitiis
Sa bawat ligaya, tayo'y magsasama
Wala nang gaganda sa ating dalawa
Ikaw ang siya kong gabay sa aking buhay
Ikaw ang kalungkutan, ikaw rin ang kaligayahan
Tayong dal'wa'y kapwa pinag-isa
Sa hirap at hapis, tayo'y magtitiis
Sa bawat ligaya, tayo'y magsasama
Wala nang gaganda sa ating dalawa