Оберіть трек для відтворення
Sa ilalim ng punong may lihim
Naroon ka, ngiti mong kay ganda
Bawat titig, may dalang hiwaga
Puso ko'y nabihag mo na
Parang hangin na may halimuyak ng ulan
Boses mong tumatawag nang padahan-dahan
Parang ilaw, ngiting nakakasilaw
Para kang diwata sa hiwaga
Na-eengkanto sa ganda mo
Puso ko'y parang sinapian mo
Na-eengkanto sa hiwaga mo
Diwatang nakakulong
Hayaan mong palayain kita
(Palayain kita)
Nakatago sa hiwaga
Kinakausap si bathala
Hinihiling na ako'y palayain na
Nang makita kita, nabighani sa hiwaga mong dala
Di malaman ang gagawin
Baka maloko sa dilim
Isang mortal na nakatingin
Aasa ba ako sayo
Di malaman ang gagawin
Baka maloko sa dilim
Isang mortal na nakatingin
Aasa ba ako sayo
Na-eengkanto sa hiwaga mo
Puso ko'y parang binihag mo
Na-eengkanto sa hiwaga mo
Mortal na nakamasid
Aasa ba ako sayo
(Maniwala ka, o giliw ko)