Sumandal ka sa pader na pinagkakatiwalaan mo gawa ito sa bato
Matibay ngunit malakas ang kapit na nangyayari sayo
Matuto kang bumitaw at tumayo
Bente nuwebe ka na ‘wag mag-alala aabot ka sa trenta
Jack reyna hari o alas paminsa’y kapit mo’y butas
Kamay mo’y nagdurugo sa lahat ng nagawa mo
Bumangon ka’t gawin ginto ang bato
Nakaupo sa gilid ng mundo
Patay-sindi ang apoy hinihipan ng hangin
Sa palapag ng bente nuwebe manhid ang damdamin
Minsa’y nasa taas madalas nasa baba
Nakapako sa roleta paikutin na
Huwag ilagay ang buhay sa kamay ng tadhana
Sandalan mo’y sumasandal ikaw na ang bumitaw
Patay-sindi ang apoy hinihipan ng hangin
Sa palapag ng bente nuwebe manhid ang damdamin
Ngayo’y nakatayo sa palapag ng bente nuwebe
Isang hakbang na lang trenta na aabot ka
Mahirap lang nga ang mag-isa
Lahat naman tayo’y maglalaho ng mag-isa
Patay-sindi ang apoy hinihipan ng hangin
Sa palapag ng bente nuwebe manhid ang damdamin
Manhid ang damdamin (manhid ang damdamin)
Manhid ang damdamin (manhid ang damdamin)
Manhid ang damdamin (manhid ang damdamin)
Manhid ang damdamin (manhid ang damdamin)