Оберіть трек для відтворення

Bagong araw na naman na wala ka sa tabi yeah
Nasa isip na naman ang aking mga mali yeah
Kailan mo ba mapapatawad
Kailan ka ba makakasama muli yeah
Anong nilalaman ng puso mo (nilalaman ng puso mo)
Tinangay na ng hangin
Ang aking mga panalangin na
Ika'y muling mapasaakin
Wala nang magawa kung ito ang kapalaran
Sumasabay na lang sa alon
Tinatago na lang ang takot na
Puso mo'y 'di na mababago
Wala nang magawa kung ito ang kapalaran
Kailangan ka nang marinig
Ang puso ko'y lumalamig
Sabihin mo ang kapalit ng iyong pagmamahal
Sa paglipas ng gabi na
Wala ka sa tabi yeah oh
Iniisip na naman mga pagkakamali yeah
Pa'no ba mapapatawad
Kailan ka ba makakasama muli yeah yeah
Ako pa bang laman ng puso mo
Laman ng puso mo
'Di nakaila ng hangin
Ah aking mga panalangin
Na ika'y muling mapasaakin
Wala na bang pag-asang mabago'ng kapalaran
Sumasabay na lang sa alon
Tinatago na lang ang takot
Na puso mo'y 'di na mababago
Wala nang magawa kung ito ang kapalaran
Kailangan ka na marinig (kailangan ka na marinig)
Ang puso ko'y lumalamig (ang puso ko'y lumalamig)
Sabihin mo ang kapalit ng iyong pagmamahal
Ikaw pa rin hanggang ngayon ang hanap-hanap
Sulyap sa panaginip at pangarap
Huli na ba't ito na ba ang hangganan
Walang liwanag ang lahat ng 'ka'y mawalay
Tanging ikaw ang nagbigay ng kulay
Huli na ba't ito na ba ang hangganan
Tinangay na ng hangin
Ang aking mga panalangin na
Ika'y muling mapasaakin
Huli na ba't ito na ba ang hangganan
Sumasabay na lang sa alon
Tinatago na lang ang takot na
Puso mo'y 'di na mababago
Huli na ba't ito na ba ang hangganan
Oh
Huli na ba't ito na ba ang hangganan