Оберіть трек для відтворення

Sa paglitaw ng mga tala
Sa kalangitan ay naramdamang
Ikaw na nga, itinakda
Ang ating pagkikita
Pintig ng puso'y sumasabay
Sa kutitap ng mga alitaptap
Sa kaulapan o dahan-dahang
Sisilay ang namumugtong buwan
Hawak-kamay na gagabay
Mga bitui'y iuugnay
Gumuhit tayo
Ng sariling talanyo
Ipapangalan ko
Sa'yo
Marahuyo
Ako'y nabihag mo
Ibubulong sa'yo
"ako'y iyong iyong iyong iyo"
Nagniningning ang iyong mata
Wari'y yari sa alikabok ng tala
Tunay na kasigasigan
Ang aking natunghayan
Tara't pagdugtong-dugtongin
Hulma ng kapalaran natin
Gumuhit tayo
Ng sariling talanyo
Ipapangalan ko
Sa'yo
Marahuyo
Ako'y nabihag mo
Ibubulong sa'yo
"ako'y iyong iyong iyong iyo"
Tingnan mo kumikinang sila para sa atin
(Sumilakbong damdamin; hiling ay mapasakin)
Tingnan mo kumikinang sila para sa atin
(Sumilakbong damdamin; hiling ay mapasakin)
At mapanglaw man ang gabi, ang araw ma'y lumamig
Ikaw pa rin
Ikaw pa rin
Hanggang mahulog ang langit
Gumuhit tayo ng isang sansinukob nakapaloob ang ating pangako
Marahuyo, puso ko'y buo
Isisigaw ko sa mundo
Ako'y iyong iyong iyo
Iyong iyong iyong iyo
Iyong iyong iyong iyo
Iyong iyong iyong iyong iyo