Akala ko ba'y ako ang mahal mo
At ako lang ang s'yang buhay mo
At hindi mo ako maipagpapalit sa iba?
Bakit ngayo'y para kang nagbago?
Iba na ang mga kilos mo
At pati ang pananamit mo ay nag-iiba na
Oh, talagang nagbago ka na
At ikaw ay nagsasawa na
Siguro ay mayroon ka nang mahal na iba, ah
Totoong ikaw lang ang s'yang mahal ko
At ikaw rin ang s'yang buhay ko
At hindi rin kita maipagpapalit sa iba
At kung napansin mong ako'y nagbago
'Yon ay para na rin sa iyo
Buti nang makilala mo na 'ko ng maaga pa
Oh, talagang ganito na 'ko
Bago pa 'tong pag-ibig mo
At ayaw ko nang magtago sa 'king balat-kayo, ooh
Bakit kinailangan pang itago mo
Ang totoong pagkatao mo?
Ang nangyari tuloy ay pinagtampuhan pa kita
Oh, mahal ko, huwag ka nang magtampo
Sa mga pagkakamali ko
At ang nagawa ko ay pinagsisisihan ko na
Oh, talagang ganito na 'ko
Bago pa 'tong pag-ibig mo
At ayaw ko nang magtago sa 'king balat-kayo, ooh-ooh-ooh
Ating iwan ang nakaraan at huwag na lang babalikan
Kung may pagkakamali man ay ating pagbigyan
Mahalaga'y narito 'ko, narito ka sa piling ko
At hindi na magkakawalay pa magpakailanman