La la la la la la la
Yes right
'Di ra pa pa ri ri ra
Always give respect to the reels
No one gonna ever beat that
Eto ang klase ng musika na aking nang pinagmulan
Mga konsepto kong naisip dito ko sinimulan
Mga hangarin ko nung batana maging makata
Na bumuo ng mga awitin gamit ang mga talata
Na naitala sa aking mga sulat kamay
Mga pangarap na akala koy hindi ibibigay
Kahit pagod na naghintay ay umaasang darating
Na balang araw ang awitin koy kakantahin nyo rin
At laging bukambibig ng mga tambay sa lansangan
Pangalan nagmarka na dito sa ating larangan
Inyong sasambitin na meron pang huling alas na magtataas
Ng antas ng hiphop sa Pinas
Mahalaga saakin ang pinagmulan
Hindi sumagi sa sisipan ko hangang dyan nalang
Ang tinig kong lumilipad subukan nyong pakinggan
Simpleng sandata na ginamit ko nang masimulan
Mahal kong kultura itataas ko ako ang tala sa daan
Magiging kawal dito sa ating kultura mandirigmang
Sumisigaw sa kagubatan ay humihiyaw
Ano kung tagalog ang ginamit ko at hindi ingles
Masasabihan mo bang ang awit 'ko'y hindi mabangis
Kahit kabisado mo ng mga linya ko't sinasabayan
Dahil angkop lang sa panlasa't di mababaduyan
Pinagdaanan ang ibat' ibang klase ng laro
Limang taong naglakbay upang aking matamo ang
Pangarap na maging sikat at makilala ng lahat
Sa pamamagitan ng mga awit at kumita ng sapat
Sa pagkanta sa entablado sa harapan ng mga tao
Binubuksan ang mga diwa magmula sa pagkasarado
Kanta na nakakasado na aking binagsak
Pag narinig mo ewan ko lang kung di ka pumalakpak
Mahalaga sa akin ang pinagmulan
Hindi sumagi sa sisipan ko hangang dyan nalang
Ang tinig kong lumilipad subukan nyong pakinggan
Simpleng sandata na ginamit ko nang masimulan
Mahal kong kultura itataas ko ako ang kalasag at
Magiging kawal dito sa ating kultura mandirigmang
Sumisigaw sa kagubatan ay humihiyaw
Mga mahal kung kultura oh mahal (brup)
Let's go in to different style
For all the hiphop artist listen to this
Mga pangarap na itinanim ko ngayon umani
Ng respeto na hindi ko na mabilang sa pagdami
At pagkalat ng mga kanta na aking naisinulat
Naging isa sa instrumento upang aking maipamulat
Ang musikang rap ay hindi basta libangan
Itinuturing na trabaho na pwedeng pagkakitaan
Ang mga salitang yan ay handa ko ng isalin
Upang sumagi sa mga isip imbis na babuyin ay pagyamanin
Ang tugtugan na kinamulatan natin nuoon
Itinama ko mga mali ngayon sa aking panahon
Ito ang tamang pagkakataon upang aking masabi
Na ang kulturang to ay makikilala ng marami
Na magiging pundasyon at inspirasyon
Sa mga makatang susunod sa ating henerasyon
Magsisilbing atensyon upang gisingin ang lahat
Na ang kulturang to ay sabay sabay nating iangat
Mahalaga saakin ang pinagmulan
Hindi sumagi sa sisipan ko hangang dyan nalang
Ang tinig kong lumilipad subukan nyong pakinggan
Simpleng sandata na ginamit ko nang masimulan
Mahal kong kultura itataas ko ako ang kalasag at
Magiging kawal dito sa ating kultura mandirigmang
Sumisigaw sa kagubatan ay humihiyaw
Mahalaga saakin ang pinagmulan
Hindi sumagi sa sisipan ko hangang dyan nalang
Ang tinig kong lumilipad subukan nyong pakinggan
Simpleng sandata na ginamit ko nang masimulan
Mahal kong kultura itataas ko ako ang kalasag at
Magiging kawal dito sa ating kultura mandirigmang
Sumisigaw sa kagubatan ay humihiyaw
Yow
In this Babylon don't let them used you know
Big thanks to MN the great
Sir Mike Kosa and this bot Uncle J