Оберіть трек для відтворення
Noong tayo'y magkasama
Ang aking mundo'y puno ng sigla
Naglalaro sa himpapawid
Ngayo'y wala ka na
Ligaya ang iyong ihinatid
Saya ang dulot na pagsasama
Umasa akong hindi mapapatid
Ba't ka lumisan ng maaga
Ngayon, lumipad ka na
Kasama'ng aking pag-asang magpatuloy pa
Ngayon, Wala ka na
Wala ka na, wala ka na
Ang taas mo na, hindi na kita maaaring maabot
Umihip na ang hangin, kinuha ka na sa aking piling
Ang iyong malambing na tinig
Ang iyong nakakatuwang mga tawa
Ang buhay nating masaya
Ang ating ngiti, ngayo'y paano na
Hindi ako sanay na mag-isa
Ang gusto ko ay lagi kang kasama
Bakit kailangang mangyari ito
Bakit kailangan mong iwan ako
Ang taas mo na, hindi na kita ngayon makita
Ngayon, lumipad ka na
Kasama'ng aking pag-asang magpatuloy pa
Ngayon, Wala ka na
Wala ka na, wala ka na
Ang taas mo na, hindi na kita maaaring maabot
Umihip na ang hangin, kinuha ka na sa aking piling
Tuloy-tuloy ang iyong pagtaas. Hindi na kita ngayon makita
Malaya ka nang lumilipad, kung nasaan ka man sana ikaw ay masaya
Oh lipad, oh lipad, lumipad ka oh lobo lipad
Oh lipad, oh lipad, lumipad ka