Akala ko noon ako'y mag-iisang mamumuhay sa mundong
Tila kanya kanya
Makasarili
Ngunit nalaman kong hindi ito ang nais niya ang tangi niyang gusto
Tayo'y magkaisa't
Magkahalili
Pinagbuklod sa pangalan ng ating kataas-taasan
Sa kanyang dugo
Pag-ibig at puso
Kapatid kita at kaibigan
Iisa ang salita
Iisa ang ating gawa
Iba man ang wika mo
Kulay o pagkagawa
Diba't ang balita ko'y
Diwa rin ng iyong balita
Ikaw at ako tayo ay iisa
Kahit kadalasan magkabanggaan man pagkaka-tandaan
Isa lamang ang tunay na daan
Pag ibig sa kapwa pagmamahal at unawa na siya lamang
Ang tutularan at tanging titignan
Pinagbuklod sa pangalan ng ating kataas-taasan
Sa kanyang dugo
Pag-ibig at puso
Kapatid kita at kaibigan
Iisa ang salita
Iisa ang ating gawa
Iba man ang wika mo
Kulay o pagkagawa
Diba't ang balita ko'y
Diwa rin ng iyong balita
Ikaw at ako tayo ay iisa
Pagmasdan mo ang ating pag awit at sayaw
Pati narin sa kilos at galaw
Kung siya lang ang gagayahin ay iyong tanaw
Maliwanag na araw
Iisa ang salita
Iisa ang ating gawa
Iba man ang wika mo
Kulay o pagkagawa
Diba't ang balita ko'y
Diwa rin ng iyong balita
Ikaw at ako tayo ay iisa
Iisa ang salita
Iisa ang ating gawa
Iba man ang wika mo
Kulay o pagkagawa
Diba't ang balita ko'y
Diwa rin ng iyong balita
Ikaw at ako
Ikaw at ako
Ikaw at ako tayo ay iisa