Giliw kung ito na ang
Huling gabing makakasama ka
Ipaubaya mo na sakin ang
Huling hiling hmmm
Na mayakap ka hanggang sa pagsikat ng araw
Diba sabi mo sa akin noon "hawakan mo ang kamay ko, pangako mong hindi ka lulubay."
Habang sayo nakahimlay
Ngunit ngayon nasaan na ang
Ngiting ibinaling mo sa kanya na hiniling ko sana nga'y ako nalang
Oh sana'y patawarin at dinggin aking dalangin
Bago pa sambitin
Ang bugso ng damdamin sa
Pahimakas nating dalawa
Nating dalawa
Hindi naibigay sa isat isa
Ang paalam at patawad
Diba sabi mo sa akin noon ako lang ang iyong mahal, pinangako mong hindi ka lulubay
Hawak-hawak aking kamay
Ngunit ngayon nasaan na ang
Ngiting ibinaling mo sa kanya
Na hiniling kong sana nga'y
Ako nalang
Oh sana'y patawarin at dinggin aking dalangin
Bago pa sambitin
Ang bugso ng damdamin sa
Pahimakas nating dalawa
Nating dalawa
Hindi naibigay sa isa't isa
Ang paalam at patawad
Giliw kung ito na ang
Huling gabing makakasama ka
Hayaan nalang muna natin
Tayo ay pagtagpuin sa pagitan ng paalam at pahiram
Oh oh
Hindi na ako mahal
Pahimakas na
Paalam na mahal