Оберіть трек для відтворення
VERSE 1:
Sa'n mang dalhing parte ng daigdig, nariyan Ka
Hilaga, silangan, timog, o kanluran, kasama kita
PRE-CHORUS:
Hesu Kristo, ramdam ang lakas na dulot ng 'Yong pangakong
Espiritu Santo
CHORUS:
Aleluya, kadakilaang walang kapantay
Aleluya, sa 'Yong kalooban, ako'y sasabay
Aleluya, Aleluya
Aleluya, Aleluya
VERSE 2:
Pagsikat ng araw, ligaya'y tanaw, nariyan Ka
Gabi ma'y sumapit at 'di makaawit, kasama Kita
PRE-CHORUS:
Hesu Kristo, ramdam ang lakas na dulot ng Iyong pangakong
Espiritu Santo
BRIDGE:
Dumadaloy, dumadaloy
Banal na pag-ibig Mo
Umaagos, umaagos
Banal na pag-ibig Mo
Bumabalot, bumabalot
Banal na pag-ibig Mo